PBBM, ipinare-reexamine ang disenyo ng flood control projects

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos, na i-reexamine o muling suriin ang disenyo ng mga flood control projects sa Metro Manila matapos maranasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at habagat.

Sa ginawang pag-iinspeksyon ni Pangulong Marcos sa Malabon, Navotas at Valenzuela, napuna ng pangulo na hindi singdami ng ulan ng Bagyong Ondoy ang ulan ng Bagyong Carina subalit mas malala ang epekto nito dahil mas malaki ang baha at mas maraming lugar ang nalubog sa baha kumpara sa panahon ng Ondoy.

Napansin ng pangulo na hindi hamak na mas maraming flood control projects ngayon kumpara noong panahon ng Ondoy.


 

Bukod dito, marami na rin aniya ang pumping stations sa mga lungsod, iyon lamang nagkakaproblema dahil nagtatapon ng basura ang mga tao na nagiging sanhi ng pagbara at hindi naging epektibo ang pasilidad.

Hindi rin iniaalis ni Pangulong Marcos ang posibilidad ng pagtaas ng baha ay dahil sa nasirang navigation gate sa Navotas matapos itong banggain ng barko.

Facebook Comments