PBBM, itinalaga ang Manila Police sharpshooter at dating judge na si Jaime Santiago bilang bagong direktor ng NBI

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong pinuno ng National Bureau of Investigation (NBI) sa katauhan ni Jaime Santiago na kilalang Manila police sharp shooter at dating Judge.

Nanumpa na rin kay Executive Secretary Lucas Bersamin si Santiago

Si Santiago ay dating judge ng Manila Regional Trial Court Branch 3.


Nagtapos ito ng abogasya sa Manuel L. Quezon University noong 1993 habang nagsisilbi ito bilang pulis.

Taong 1979 nang pumasok ito sa Manila Police District (MPD).

Bago naging judge, naging commander ito ng MPD special weapons and tactics.

Ilan sa naging accomplishments nito ay anim na insidente ng hostage taking kung saan na-neutralize ang lahat ng suspek.

Facebook Comments