PBBM, itinalaga si dating NTC Commissioner Gamaliel Cordoba bilang bagong COA chairperson

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si dating National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba bilang bagong chairperson ng Commission on Audit (COA).

Kinumpirma ito ng Palasyo ng Malakanyang kahapon ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye kaugnay rito.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Supreme Court Public Information Office kahapon na nanumpa na si Cordoba sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo nitong Biyernes ng hapon.


Papalitan nito si Jose Calida na bumaba sa pwesto ilang linggo nang nakalilipas kung sana wala itong ibinigay na dahilan kung bakit ito nagbitiw.

Facebook Comments