PBBM, itinalaga si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng PNP

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang ika-30 pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Nauna nang lumabas ang impormasyon na si Police Lieutenant General Emmanuel Peralta ang magsisilbing Officer-in-Charge (OIC) ng PNP pero kanina ay inanunsyo na si Marbil ang bagong pinuno ng PNP.

Si Marbil ay OIC Directorate for Comptrollership bago italaga bilang PNP chief.


Miyembro si Marbil ng Philippine Military Academy Class of 1991 kung saan nagsilbi rin itong hepe ng PNP Regional Office 8.

Matatandaang noong December 2023 ay lumabas sa social media na si Marbil ang susunod na PNP chief pero ito ay pinabulaanan ng liderato ng PNP.

Facebook Comments