PBBM, kailangang bigyan na ng special powers para tugunan ang inflation

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na napapanahon ng pagkalooban ng “special powers” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakapaloob ito sa inihain ni Salceda na House Bill 2227 o Bangon Bayan Muli o BBM Act na layuning mabigyan ng kapangyarihan ang pangulo para matugunan ang nagpapatuloy na presyo at isyu sa supply ng mga produkto.

Para kay Salceda, urgent itong gawin lalo’t mas “structural” at maliwanag ang mga sanhi ng inflation at kasunod din ng pag-amin ng mga economic manager na halos naubos na ang maaaring gawing “monetary policy” upang mapababa ang mga presyo ng mga bilihin.


Ang BBM Bill ni Salceda ay kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Economic Affairs.

Nakapaloob sa panukala ang
– Anti-hoarding powers
– Pagbibigay insentibo sa produksyon ng mga “essential” na produkto
– Kapangyarihan para makapagbigay ng loans at guarantees sa suppliers ng mga produkto;
– Anti-price-gouging powers
– Transport emergency powers
– Pagpapakilos sa uniformed personnel para mapabilis ang infrastructure projects, at
– pagbuo ng inter-agency working group o taskforce

Facebook Comments