Pagpapaliwanagin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ito kaugnay sa pahayag nitong huwag makialam ang Pilipinas sa isinusulong na Taiwan Independence kung kapakanan ng 150,000 mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan ang iniisip.
Ayon kay Pangulong Marcos, nasorpresa siya sa pahayag na ito Huang.
Pero naisip ng pangulo na posibleng loss of translation ang nangyari dahil hindi English ang first language ni Huang.
Ayon sa pangulo, posibleng nais sabihin ni Huang ay huwag gagawa ng anumang hakbang ang Pilipinas na magpo-provoke o mas magpapainit ng tensyon dahil may masamang epekto ito sa mga Pilipino sa Taiwan.
Sa kabila nito, kakausapin pa rin ng pangulo si Huang para matukoy kung ano ang gusto talaga nitong sabihin.