Isa ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino sa mga dahilan ng matinding trapiko sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang lingguhang vlog kasunod ng naranasang bigat ng daloy ng trapiko noong Semana Santa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ilang administrasyon na ang lumipas at gumawa ng hakbang kaugnay rito tulad ng paggawa ng mga kalsada at tulay, pero hindi nawawala ang problema dahil sa kawalan ng disiplina ng mga publiko.
Nakilala na rin na ang bansa sa buong mundo sa may pinakamatinding problema sa trapiko.
Dahil dito, nanawagan ang pangulo sa publiko na magkusa at pairalin ang disiplina sa kalsada at huwag ng hintayin pa ang paalala ng gobyerno para gawin ito.
Facebook Comments