PBBM, kinalampag ang ASEAN-GCC kaugnay sa nagpapatuloy na military operation ng Israel sa Gaza Strip

Umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bansang miyembro ng ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit na sumunod sa international law sa gitna ng nagpapatuloy na operasyong militar sa Gaza Strip.

Sa ikalawang Association of Southeast Asian Nations- Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kaniyang pagkabahala ginagawang military operation ng Israel sa Gaza na nagdulot ng malaking bilang ng mga nasawing sibilyan, kabilang ang mga kababaihan at bata.

Panawagan ng pangulo sa lahat ng panig, na protektahan ang mga sibilyan at agarang bigyang ng tulong ang mga biktima.

Tinukoy din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng freedom of navigation sa South China Sea at Arabian Sea bilang pangunahing ruta ng kalakalan, at nanindigan para sa pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang maprotektahan ang karagatan.

Facebook Comments