Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bansa sa Indo-pacific region na sama-samang magsalita sa mga isyung may kaugnayan sa international law.
Sa pulong sa Malacañang kasama si New Zealand Ambassador to the Philippines Catherine Rosemary Mcintosh, sinabi ng Pangulo na kung magkakaisa ang mga maliliit na bansa ay tiyak na mababantayan ang karapatan sa malayang paglalakbay at kalakalan sa rehiyon.
Giit pa ng Pangulo, mabibigyang diin rin ang importansiya ng pagsunod sa mga sistema na itinatakda sa international law.
Mahalaga aniya ang nasabing hakbang dahil makapagbibigay ito ng mas malalim na pang-unawa patungkol sa ilang alalahanin kaugnay ng mga nagaganap sa rehiyon.
Facebook Comments