Hindi na natuloy ang kapihan with the media ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatakda sanang alas-6:00 ng gabi kagabi, oras sa Belgium habang ala-1:00 ng madaling araw sa Pilipinas.
Ito ay matapos na mamaos, sipunin at ubuhin ang pangulo dahil sa tindi ng lamig sa Brussels, Belgium.
Ang pahayag na ito ay ginawa ni House Speaker Martin Romualdez matapos na pumalit ito sa dapat sana’y kapihan with the media ni Pangulong Marcos Jr., kagabi.
Ayon kay House Speaker Romualdez, nagsimula ang pagsama ng pakiramdam ng pangulo kahapon kung saan kapansin-pansin ang pamamaos na nang boses nito.
Kaya naman pinayuhan nila ang pangulo na magpahinga na lang muna dahil marami pa itong nakalinyang pagpupulong, partikular na ang bilateral meetings sa iba’t ibang lider sa mga bansa sa Europa.
Simula December 11, 2022, nang dumating ang pangulo dito sa Brussels, Belgium ay sunod sunod na -2, -3 at -4 degree Celsius ang weather sa Brussels, Belgium.
Ayon naman kay Office of the Press Secretary OIC USEC Cheloy Garafil, pipilitin ng pangulo na makadalo sa lahat ng naka schedule na pagpupulong ngayong araw.