Thursday, January 29, 2026

PBBM, kinatigan ang desisyon ni Cong. Sandro Marcos na mag-inhibit sa mga impeachment proceedings

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ng kanyang anak na si House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na mag-inhibit sa lahat ng impeachment proceedings laban sa kanya.

Ayon sa Pangulo, tama at naayon lamang ang naging pasya ni Cong. Sandro, dahil malinaw umano ang posibleng pagkiling nito bilang anak.

Mahalaga rin aniya ito upang mapanatili ang pagiging patas at kredibilidad ng proseso ng impeachment.

Matatandaang nag-inhibit ang mambabatas sa mga pagdinig na may kaugnayan sa impeachment.

Bagama’t hindi ito kinakailangan sa ilalim ng House rules, iginiit ni Cong. Sandro na bahagi ng responsableng pamumuno ang pag-iwas kung makukwestiyon ang pagiging patas ng proseso.

Facebook Comments