PBBM, kinikilala ang halaga ng Sierra Madre laban sa malalakas na bagyo

Kinikilala ng Malacañang ang malaking papel ng Sierra Madre sa pagprotekta sa bansa laban sa malalakas na bagyo, matapos nitong mapigil ang matinding hagupit ng Super Typhoon Uwan sa Luzon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kabutihang naidulot ng kabundukan, na matagal nang nagsisilbing natural na panangga ng bansa tuwing may masamang panahon.

Kung wala aniya ang bulubundukin, mas malawak ang pinsalang dulot ng Bagyong Uwan.

Nakita rin mismo ng Pangulo ang kahalagahan ng Sierra Madre at ang pangangailangang maprotektahan ito laban sa patuloy na pagkakalbo at mga banta ng ilegal na gawain.

Kaugnay nito, inaasahan ang mga direktiba ng Pangulo hinggil sa mga konkretong hakbang para tiyaking mananatiling buo at matatag ang Sierra Madre.

Facebook Comments