Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 1.8 milyong empleyado ng pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Sa video message, kinilala ng pangulo ang dedikasyon at commitment ng mga nagsisilbi sa pamahalaan.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga kawani ng gobyerno sa walang-pagod, mahusay at may integridad na serbisyong ibinibigay sa mga Pilipino.
Hinikayat ng pangulo ang mga taga-gobyerno na sama-samang harapin ang iba’t ibang mga hamon sa kanilang trabaho.
Kailangan aniyang nagkakaisang pagsikapan ang hangaring mabigyan ng magandang kinabukasan ang bansa.
Kinilala rin ni PBBM ang Civil Service Commission sa patuloy na pagsusulong ng mga pagbabago sa gobyerno.
Sa ganitong paraan, mahahasa anya ang masisigla at future-ready na mga bayaning lingkod-bayan.