PBBM, kinilala ang mga mag-aaral na humakot ng medalya sa International STEM Olympiads

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang husay ng mga Pilipinong mag-aaral na nagpamalas ng husay sa international STEM o Science, Technology, Engineering, and Mathematics Olympiads.

Ayon sa pangulo, hindi lang sa sports o palakasan humahataw ang mga Pilipino kundi maging sa agham at matematika.

Dahil nasungkit ng Pilipinas ang gintong medalya sa International Nuclear Science Olympiad, bronze medal sa 56th International Chemistry Olympiad, gold, silver, at bronze medals sa ASEAN Plus 3 Jr. Science Odyssey sa Cambodia, at dalawang ginto sa Singapore International Math Olympiad Challenge.


Ang mga mag-aaral na ito mula sa Philippine Science High School ay nagwagi ng medalya sa International Astronomy and Astrophysics Olympiad sa Brazil.

Giit ng pangulo, mahalaga ang STEM subjects dahil ito ang pangunahing pinagbabatayan ng lahat ng uri ng teknolohiya, at importanteng maunawaan ang siyensya at mathematika para magamit ang teknolohiya sa pamumuhay at makasabay sa bagong ekonomiya ng mundo.

Facebook Comments