PBBM, kinilala ang mga social worker sa malasakit na ipinapakita sa mga batang nangangailangan ng kalinga

Tinawag na bayani ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga social workers na nag-uukol ng panahon sa pag-aalaga para sa mga batang nangangailangan ng aruga at pagmamahal lalo na ngayong panahon ng Pasko.

Ayon sa pangulo, tunay na mga bayani ang mga social workers na nagbibigay-buhay sa diwa ng pagmamahal at pagkalinga.

Ang pag-aalaga aniya sa mga batang salat sa malasakit at pagkalinga ay napupunan ng mga social worker na mas higit na kailangan ng mga ito kesa sa mga laruan at kagamitan.


Ang mas kailangan ayon sa pangulo ng mga bata ay mainit na yakap, pag-aaruga at pag-unawa na sinikap nilang maibigay rin sa isinagawang Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift-Giving Day sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, nakakataba ng puso ang nakita nilang kasiyahan ng mga batang nakasama nila sa Malacañang sa isinagawang pamimigay ng maagang aguinaldo para sa araw ng Pasko.

Facebook Comments