
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos J.r ang kabayanihan ng healthcare workers kasabay ng kaniyang pagbisita sa ilang ospital sa bansa.
Ayon sa Pangulo, hindi nagbabago ang sipag at dedikasyon ng mga doktor, nurse, medtech, staff at non-medical personnel ng mga ospital mula pa noong panahon ng pandemya.
Hindi nakalimutan ng Pangulo na banggiitin na isa siya sa nakaranas ng dedikasyon at sakripisyo ng healthcare workers noong panahong tamaan siya ng COVID-19.
Sabi ng Pangulo, sadyang malaki ang puso ng mga healthcare worker kaya sisikapin ng pamahalaan na mapaganda pa ang kalidad ng healthcare system sa bansa para sa kanilang dedikasyon.
Facebook Comments









