PBBM, kinonsulta ang DOJ bago magdesisyon na i-ban ang POGO sa bansa

Dumaan sa konsultasyon sa Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshire Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, humiling ang Office of the President ng datos sa law enforcement agencies at prosecution kaugnay sa isyu.

Kasunod aniya nito ang tinimbang ng pangulo ang epekto nito kasama ng iba pang sektor upang mauwi sa desisyon na i-ban na ang POGO.


Sabi pa ni Clavano, bagama’t wala pang inilalabas na Executive Order (EO) ang pangulo o ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay maituturing nang polisiya ang pagbabawal sa POGO dahil sa deklarasyon ng pangulo kahapon sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Facebook Comments