
Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pribadong sektor para pag-usapan kung paano pa matutulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umuuwi mula sa Middle East.
Ayon sa pangulo, nakatuon ang usapan sa pagbibigay ng bagong trabaho sa mga umuwing OFW, kabilang ang retraining at tulong pangkabuhayan para sa mga nais magnegosyo o hindi na bumalik sa abroad.
Napag-usapan din ang papel ng artificial intelligence sa paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho, hindi lang sa gobyerno kundi sa buong ekonomiya.
Pag-aaralan aniya ito upang makatulong na mabawasan ang epekto ng krisis sa Middle East sa mga Pilipinong manggagawa.
Facebook Comments










