Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakabati nila ni dating Vice President Leni Robredo.
Nagkabati ang dalawa matapos imbitahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Robredo na pangunahan ang pag-welcome kay Pangulong Marcos sa Sorsogon kahapon kung saan nagkamayan pa ang dalawa.
Sa kaniyang talumpati sa ceremonial signing ng ARAL Program Act, nagpasalamat si Pangulong Marcos kay Escudero na gumawa ng importanteng hakbang para mangyari ang political reconciliation.
Well done aniya ang ginawa ni Escudero at nakatutuwa na naayos na ang relasyon nila ni Robredo.
Matatandaang nagkalaban sa politika ang dalawa noong 2016 kung saan tinalo ni Robredo si Pangulong Marcos sa vice presidential race.
Muli silang nagharap noong 2022 presidential elections kung saan tinalo naman ni Pangulong Marcos si Robredo sa pagkapangulo.