PBBM, kinumpirma na mismo na masama ang kaniyang pakiramdam sa gitna ng isang talumpati

Naging kapansin-pansin na ang pagkakaroon ng masamang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang event sa Malacanang ngayong umaga.

Sa kaniyang talumpati, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang nag-kumpirma na mayroon siyang ubo at sipon matapos itong suminga sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo na hindi siya hihinto sa pagtatrabaho sa kabila ng kaniyang nararamdaman.


Matatandaang kahapon ay unang sinabi ni DOH Sec. Ted Herbosa na masama ang pakiramdam ng Pangulo matapos ang birthday celebration nito pero kalauna’y kumambyo ang kalihim kasabay ng pagsasabing hindi dapat kaagad ipagpalagay na may karamdaman ang isang taong nakasuot ng face mask.

Facebook Comments