PBBM, kinumpirmang alam niya ang planong “change of leadership” sa Senado bago pa man ito mangyari

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipinaalam sa kaniya ang tungkol sa planong pagpapalit ng liderato sa Senado bago pa man ito maganap.

Sa media interview sa Brunei, sinabi ng pangulo na alam na niya kung paano ang naging pagboto sa Senado habang siya ay nasa out of town.

Samantala, idinistansya naman ng pangulo ang sarili sa naging balasahan sa liderato ng Senado.


Wala aniya siyang kinalaman sa naging “change of leadership” sa Senado dahil ito ay ginawa ng mga Senador.

Hindi rin aniya siya sigurado kung ano ang tinutukoy ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri nang sabihin niyang nawala siya sa kanyang posisyon dahil sa hindi pagsunod sa mga utos ng mga nasa kapangyarihan.

Gayunpaman, sinabi naman ng pangulo na nanatili pa rin naman daw ang tiwala niya kay Zubiri.

Facebook Comments