PBBM, kinumpirmang galing sa kaniya ang text message na nagpapaalala sa kongreso na huwag ituloy ang impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma na mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na galing sa kaniya ang text message na kumakalat sa social media na nagbibigay ng paalala sa mga lider ng Kongreso na huwag ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview sa Lucena, Quezon, sinabi ng Pangulo na private text message lang sana ito pero kumalat na ito.

Nakasaad sa mensahe ni Pangulong Marcos na hindi mahalaga si Duterte kaysa sa malalaking bagay at ang impeachment ay maaari lamang makagulo sa mga tungkulin ng pamahalaan.


Pero ayon sa Pangulo, ito talaga ang kaniyang paniniwala.

Bakit kailangan pa aniyang mag-aksaya ng oras sa pagsasampa ng impeachment gayong wala naman itong epekto sa buhay ng kahit isang Pilipino.

Giit ng Pangulo, kung mangyayari aniya ang paghahain ng impeachment ay matitigil lamang ang Senado at Kamara at kukuhanin nito ang buong oras ng pamahalaan para lamang sa walang katuturang bagay.

Facebook Comments