PBBM, kinumpirmang pinag-aaralan na ang pagpapaliban sa 2025 BARMM elections

Pinag-aaralang mabuti ng Malacañang ang hiling ng ilang lokal na pamahalaan na ipagpalibam ang 2025 parliamentary elections sa BARMM.

Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa Pangasinan.

Ayon sa pangulo, maraming implikasyon ang naging desisyon ng Korte Suprema na naghiwalay sa probinsya ng Sulu sa BARMM.


Kabilang dito ang problema sa mga distrito na nawalanng kongresista at walang kinabibilangang probinsya, at mga munisipalidad na walang distrito at wala ring probinsya.

Dahil aniya sa pag-aalis ng Sulu sa BARMM, kailangang palitan ang batas kaya’t tatrabahuhin ng Bangsamoro Transition Authority ang bagong sistema sa bagong administrative code, local government code, at electoral code.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na sisikapin pa ring maisabay ang BARMM elections sa 2025 midterm elections.

Gayunpaman, kung hindi ito kakayanin ay mainam nang maitama muna ang mga implikasyon sa halip madaliin ito at posibleng mag-resulta lamang ito sa gulo.

Facebook Comments