
Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na muling mababawi ng Pilipinas ang dating lakas nito sa industriya ng paggawa ng mga barko.
Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa inagurasyon ng muling pagbubukas ng HD Hyundai Heavy Industries Philippines Inc. sa Subic, Zambales.
Ayon kay Pangulong Marcos, matagal nang kilala ang husay ng mga Pilipinong marino sa buong mundo kaya’t nararapat lamang na maghatid muli ang bansa ng mga de-kalidad na barko na kayang maglayag sa iba’t ibang karagatan.
Bago huminto ang operasyon noong 2019, umaabot sa 20 oil tankers at 30 malalaking container ships kada taon ang nagagawa ng Subic shipyard.
Kumpiyansa ang Pangulo na sa pagbabalik ng operasyon ng Hyundai Heavy Industries, muling sisigla ang sektor, lalakas ang export potential ng bansa, at malilikha ang libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.









