
Kumpyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi maaapektuhan ng mga lokal na isyu gaya ng korapsyon ang paghahanda ng Pilipinas bilang host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa 2026.
Ayon sa pangulo, nakatuon ang ASEAN sa mga usaping pang-rehiyon at hindi nakikialam sa mga internal affair ng mga kasaping bansa.
Paliwanag niya, kahit may ilang bansa na may sariling political o social issues, hindi ito nakaaapekto sa mga talakayan at desisyon ng ASEAN.
Dagdag pa ng pangulo, sa mga pagpupulong ng ASEAN, ang mahalaga ay ang mga napagkakasunduan at handang ipatupad ng bawat miyembrong bansa, hindi ang kani-kanilang problema sa loob ng kanilang teritoryo.
Facebook Comments









