PBBM, kumpiyansang maabot ang target na 8% GDP growth rate sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Positibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaabot ng gobyerno ang target na 8% na gross domestic product (GDP) growth rate sa ilalim ng kanyang termino.

Sa panayam ng Bloomberg Television, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang maabot ang naturang target dahil nakatutok ang kanyang administrasyon sa pagpapalakas at pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Matatandaang bumagal sa 5.6% annual Gross Domestic Product rate ng bansa noong 2023, kumpara sa 7.6% full-year GDP rate noong 2022.


Gayunpaman, tiwala pa rin si Pangulong Marcos na makakamit ng bansa ang 6.5 hanggang 7.5 percent na target na paglago ngayong taon, kasunod ng ipinatutupad na polisiya ng gobyerno para matugunan ang epekto ng economic shock at pandemya.

Nais aniya ng kaniyang administrasyon na maibigay ang pinakamagandang resulta para sa mga Pilipino.

Ipinagmalaki rin nito ang pagtaas ng halaga ng piso sa loob ng tatlong buwan, na magandang indikasyon aniya na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

Facebook Comments