
Kinikilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng militar at pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan habang papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon sa pangulo, kumpiyansa siyang magiging maayos at ligtas ang pagdiriwang ng Pasko dahil sa patuloy na pagbabantay ng mga sundalo at pulis sa buong bansa ngayong holiday season.
Dahil aniya sa sakripisyo at serbisyo ng mga puwersang nagbabantay sa kaayusan, nakapagdiriwang ang mga Pilipino ng Pasko nang may kapanatagan at seguridad.
Binigyang-diin din ng pangulo na ang Kapaskuhan ay panahon ng pananampalataya, pamilya, at pagninilay, at ang tahimik na pagdiriwang nito ay posible dahil may mga kawal at pulis na nagbabantay habang ang sambayanan ay nagkakasama-sama.
Facebook Comments









