Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging matagumpay ang kauna-unahang parliamentary election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 12, 2025.
Ayon sa pangulo, magiging mapayapa, tapat, at transparent ang halalan sa rehiyon sa 2025 kasunod ng BARMM Mayors Conference sa Diamond Hotel sa Maynila.
Hinimok naman ng pangulo ang lahat ng mga stakeholders sa Mindanao na samantalahin ang pagkakataon upang higit pang paunlarin ang BARMM sa pamamagitan ng pagkakaisa at mga diyalogo, habang binibigyang-diin ang malaking potensyal ng rehiyon.
Dahil sa potensiyal ng Mindanao ay maaari aniyang maglagay ng malalaking manufacturing facilities sa rehiyon upang magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga lokal na komunidad.
May mga kompanya na aniyang nagbabalak na mag-negosyo sa lugar dahil na rin sa mga umiiral na pamumuhunan dito.