PBBM, kumpyansang hindi siya madadawit sa isyu ng korapsyon

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya madadamay sa anumang alegasyon ng korapsyon, sa kabila ng mga pagtatangka umano ng oposisyon na idawit siya sa isyu.

Ayon sa pangulo, malinaw sa kanya kung ano ang ginawa at hindi ginawa ng kanyang administrasyon, at wala silang anumang itinatago.

Giit ng pangulo, kung may mga pilit pa ring mag-uugnay sa kanya sa katiwalian, malinaw na pamumulitika lamang.

Dagdag pa ng pangulo, hayaan na lamang ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na gawin ang trabaho nito at kahit sino pa ang masangkot ay dapat itong harapin.

Hindi aniya kayang diktahan o impluwensiyahan ang proseso ng imbestigasyon, at nasa ICI ang kapangyarihang magrekomenda sa Department of Justice (DOJ) o Office of the Ombudsman kung sino ang dapat kasuhan at papanagutin.

Facebook Comments