COURTESY: Presidential Communications Office

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maayos na natutulungan ng pamahalaan ang mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.

Sa muling pagbisita ng pangulo, ininspeksyon niya ang ikalawang Tent City upang tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Ayon sa pangulo, kuntento siya sa itinatakbo ng operasyon at sa mabilis na pagtugon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Katuwang ng pamahalaan sa pagtayo ng mga tent at pamamahagi ng tulong ang Philippine Red Cross.

Ipinangako rin ng pangulo na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno hanggang sa tuluyang makabangon ang mga biktima.

Bukod sa relief goods, sisimulan na rin ang pagpapalit ng mga pansamantalang tent ng modular shelter units para sa mas matibay at mas komportableng tirahan.

Facebook Comments