Nagsagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng situation briefing patungkol sa pag-alburuto ng Bulkang Mayon sa lungsod ng Legaspi sa lalawigan ng Albay.
Pinangunahan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum ang pagbibigay ng briefing sa pangulo kaugnay sa lagay ng Bulkang Mayon.
Naglahad din ng kani kanilang concerns at alalahanin at mga kailangan ang mga local chief executive sa pangunguna ni Bicol Governor Edcel Greco Lagman at mga alkalde ng mga apektadong munisipalidad.
Para sa pangulo, satisfactory o kuntento siya sa mga hakbang na ipinatutupad ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon lalo at wala naman aniyang naitalang casualty.
Kaugnay nito namigay rin ang pangulo ng tulong pinansiyal sa mga alkalde ng mga apektadong munisipalidad na gagamitin para sa pangangailangan ng kanilang mga apektadong residente.
Una rito ay namigay rin ang pangulo ng relief goods sa mga apektadong residente na ginanap sa Guinobatan Community College Evacuation Center kasama ang ilan pang matataas na opisyal ng gobyerno.