PBBM, lalahok sa pandaigdigang talakayan sa ASEAN Summit sa Malaysia

Aalis ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga para dumalo sa 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia mula October 26-28, 2025.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona, tatalakayin ng pangulo ang iba’t ibang pandaigdigang isyu kasama ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kabilang sa mga pag-uusapan ang sitwasyon sa Myanmar, mga hamon sa ekonomiya, at iba pang geopolitical at geoeconomic issues na may malaking epekto sa rehiyon.

Inaasahan din na mahigit 80 dokumento ang lalagdaan at aaprubahan ng mga lider sa summit.

Bukod dito, nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos sa ilang ASEAN counterparts sa mga bilateral meeting sa sidelines ng pagtitipon.

Gayunman, hindi pa isinasapubliko kung sino-sino ang mga lider na makahaharap niya habang inaayos pa ang iskedyul ng mga pagpupulong.

Facebook Comments