PBBM, mag-iinspeksyon sa mga lugar na apektado ng Bagyong Enteng ngayong umaga

Magsasagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lugar na apektado ng Bagyong Enteng ngayong umaga.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Palasyo kung saang mga lugar magtutungo ang Pangulo.

Dahil din dito, inusog ang oras ng cabinet meeting mamayang alas-3:00 nang hapon sa Malacañang, mula sa orihininal na oras na alas-10:00 nang umaga.


Bagama’t walang inilabas na agenda, inaasahang mapag-usapan ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maihatid ang tulong sa mga biktima ng Bagyong Enteng.

Mamayang alas-2:00 naman ng hapon ay magkikita ang Pangulo at si Poland Foreign Minister Radoslaw Sikorski.

Samantala, sinusubukan naman ng DZXL News na mahingan ng reaksyon si Pangulong Marcos tungkol sa pagkakaaresto ni Alice Guo sa Indonesia.

Facebook Comments