PBBM: Magagandang programa ng gobyerno, balewala lamang kung hindi kikilos ang barangay level

Balewala lamang at hindi rin mararamdaman ng publiko ang mga programa at plano ng national government, kung walang magiging tulong mula sa barangay level.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa oath-taking ng mga bagong halal na liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan national and island representatives.

Ayon sa pangulo, kahit gaano pa kaganda ang proyekto ng pamahalaan ay hindi ito makararating sa publiko kung hindi kikilos ang barangay.


Mahalaga aniya ang papel ng mga barangay official, kabilang na ang mga nasa day care center, health workers, at volunteers.

Sinabi ng pangulo na walang iba kundi sila ang mas nakakaalam sa sitwasyon sa kanilang mga barangay at sila rin ang mas nakakaalam ng solusyon sa mga problema.

Facebook Comments