
Patuloy na iikot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para personal na maghatid ng tulong sa mga Pilipinong tinamaan ng sunod-sunod na kalamidad.
Ngayong araw ay sa probinsya ng Pampanga naman mamamahagi ng ayuda ang pangulo, partikular sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya na naapektuhan ng bagyo sa San Fernando.
Pero bago ito, pangungunahan muna ng pangulo ang inagurasyon ng Farm Fresh Milk Plant sa Brgy. San Pablo Libutad, San Simon, Pampanga.
Mamamahagi rin ito ng mga kalabaw at sakahan sa Aeta communities sa Porac, at bibisita sa Katutubo Village Elementary School sa Brgy. Planas.
Kasama ang mga programang ito sa pagtutok ng administrasyon sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagbibigay suporta sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.









