
Maghapong nasa ligtas na lugar sa Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon, Setyembre 21, habang nagaganap ang malawakang kilos-protesta kontra korupsiyon.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, aktibo ang pangulo sa pagbabantay ng sitwasyon at patuloy na nag-uutos na ipatupad ang maximum tolerance sa hanay ng pulisya.
Tumanggi naman si Castro na ilahad kung sinu-sino ang mga kasama ng pangulo habang nagbabantay sa kilos-protesta.
Sabi naman ni Secretary Jonvic Remulla, nakipag-ugnayan sa kanya ang pangulo mula alas-onse ng umaga at muling tumawag bandang alas-dos ng hapon upang humingi ng personal na pagtaya sa sitwasyon at antas ng banta mula sa mga grupong nagprotesta.
Ngayong araw naman ay business as usual na raw ang pangulo habang nakatutok rin sa pagbabantay sa Super Typhoon Nando at posibleng epekto nito sa bansa.









