PBBM, magiging abala sa serye ng business meetings ngayong araw sa India

Mananatiling abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa ikatlong araw ng State visit nito sa India.

Magsisimula ang araw ng Pangulo sa pamamagitan ng CEO roundtable meeting kasama ang ilang matataas na opisyal ng mga negosyante sa New Dehli.

Susundan ito ng isa pang business meeting sa mga taga-GMR group.

Kasama rin sa mga nakalinyang aktibidad ng Pangulo ay ang gagawing pakikipanayam sa kanya ng isang Indian Media Personality na si Bb Palki Sharma ng First Post.

Pagdating naman ng alas sais nang gabi ay magbibigay ng kanyang Foreign Policy Address ang Pangulo na inorganisa ng Observer Research Foundation.

Facebook Comments