PBBM, maglalabas ng desisyon sa PhilHealth contribution hike sa lalong madaling panahon

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maglalabas siya ng desisyon kaugnay sa apelang suspendihin ang PhilHealth contribution hike, sa lalong madaling panahon.

Sa ambush interview sa pre-departure ceremony sa Villamor airbase, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy pa niyang tinitimbang ang apela na suspendihin ang pagtaas ng premium contribution ng PhilHealth.

Nagsasagawa pa aniya ang pamahalaan ng cost benefit analysis upang malaman kung makakatulong sa mga miyembro ang pag-angat ng kontribusyon mula sa 4% patungong sa 5%.


Samantala, sinabi naman ng Pangulo na lumalawak ang serbisyo ng PhilHealth, at sinisikap ng tanggapan na maabot ang mas maraming Pilipino.

Halimbawa aniya nito ang pagbabayad ng mas maraming dialysis session para sa mga miyembro nito.

Facebook Comments