PBBM, magsasagawa ng dalawang araw na state visit sa Malaysia; Malaysian business leader, makakapulong rin ng pangulo

Biyaheng Malaysia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang First Lady Liza Araneta-Marcos para sa dalawang araw na state visit sa susunod na linggo.

 

Ito ay matapos na imbitahan ang pangulo ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah.

 

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na aalis ang pangulo patungong Malaysia sa July 25 at uuwi sa July 27, 2023.


 

Sa gagawing state visit magkakaroon ng audience ang pangulo kay Malaysian King Al- Sultan Abdullah at makikipag-pulong kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

 

Ito ay upang matukoy ang mga panibagong area para magkaroon ng mga panibagong kooperasyon sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.

 

Inaasahan ding makikipagpulong ang pangulo sa mga Malaysian business leaders para sa target na bilateral trade at makapag-explore nang mas maraming economic opportunities para sa mga Pilipino.

 

Hindi rin mawawala sa aktibidad ng pangulo sa Malaysia ang pakikipagkita sa Filipino community para ipaalam sa mga ito ang mga plano at programa ng pamahalaan sa Overseas Filipino Workers o OFWs.

 

Ayon pa kay Daza, ang gagawing state visit ng pangulo sa Malaysia ay patunay na may magandang relasyon ang dalawang bansa.

 

Napapanahon din ang biyahe sa pagdiriwang nang ika-68 na anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Facebook Comments