Pupulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong hapon ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa Bagyong Pepito.
Ito’y para mapaghandaan ang posibleng epektong idudulot ng bagyo at matukoy ng pamahalaan ang angkop na tulong na dapat ibigay sa mga apektado.
Alas-3:00 ng hapon inaasahang magsisimula ang situation briefing sa Office of the Civil Defense (OCD).
Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy ang paghahanda ng gobyerno sa sunod-sunod na pagpasok ng mga bagyo sa bansa.
Sisikapin din aniya nilang makabalik sa normal na buhay ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Hinikayat din nito ang mga Pilipinong sumunod sa ipag-utos ng mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang mga sakuna.
Facebook Comments