PBBM, magsasagawa ng situation briefing sa Bogo City, Cebu ngayong araw kasunod ng pagtama ng magnitude 6.9 na lindol

PAGTUNGO NI PBBM SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA MASBATE

Biyaheng Bogo City, Cebu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Huwebes para personal na inspeksyunin ang mga lugar at pasilidad na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Unang pupuntahan ng pangulo ang SM Cares Village Housing sa lungsod bandang alas-9:00 nang umaga.

Kasunod nito, bibisita rin siya sa Archdiocese of San Vicente Ferrer Parish Church, Cebu Capitol Hospital, at Bogo City Hall para silipin ang kalagayan ng mga imprastruktura at serbisyong panlipunan sa lalawigan.

Bilang bahagi ng kanyang schedule, magsasagawa rin ng situation briefing si Pangulong Marcos Jr. sa Bogo City Hall grounds bandang tanghali.

Layon ng pagbisita na matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente at matiyak ang mabilis na pagbibigay ng ayuda at suporta ng pamahalaan.

Facebook Comments