PBBM, makikipagkita kay King Philip of Belgium

Nakatakda ngayong umaga dito sa Brussels, Belgium na magkita at magkausap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at King Philippe of Belgium.

Mayroon kasing Royal audience si Pangulong Marcos kay King Philippe.

Sa mensahe ng pangulo sa ginawang Meeting with Filipino Community, sinabi nitong masaya niyang ibabalita sa hari ng Belgium na aabot na ngayong taon sa 76 na taon ang biletaral relationship ng Pilipinas at Belgium.


Sa ngayon, nanatili ang magandang relasyong ito.

At ayon sa pangulo, malaki ang tulong dito ng mga Pilipinong nagta-trabaho dito sa Belgium.

Maganda rin daw ang trato ng Poland, Italy, Germany sa mga Pilipino dahil nga sa magandang trabaho at ugali na ipinakita ng mga Pinoy.

Kaya’t matibay aniya ang pagsasama sa iba’t ibang partner na bansa.

Hihikayatin rin daw ng pangulo ang hari na magkaroon ng strategic partnership sa ibang fields.

Isa na dito ang nakatakdang pagpirma sa Philippines-Belgium Joint Plan of Action para taong 2023 hanggang 2027.

Ito ay magpapalakas ng bilateral cooperation ng dalawang bansa para matalakay ang regional at global issues mutual concern.

Facebook Comments