PBBM, makikipagkita kay US President Donald Trump para talakayin ang mga bagong patakaran ng Amerika

Bagama’t wala pang eksaktong petsa, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makikipagpulong siya kay US President Donald Trump para mabigyang linaw ang ilang mga kautusan.

Ayon kay Pangulong Marcos, maraming bagay siyang gustong talakayin kay Trump tulad ng usaping pangkalakalan, pangdepensa at seguridad, at ang bagong patakaran ng Amerika sa usapin ng Immigration.

Kailangan aniyang maresolba ang mga insidente ng pagpapauwi sa mga Pilipino mula sa US lalo’t bahagi ng kanilang workforce ang mga Pilipinong manggagawa.


Umaasa ang Pangulo na maiimpluwensiyahan niya ang patakaran ng US sa immigration ng sa sandaling magkausap sila ni Trump.

Samantala, nais ding linawin ng Pangulo ang epekto at implikasyon ng kautusan ni US President Donald Trump na itigil ang foreign aid sa Pilipinas.

Sa ngayon, malabo pa talaga aniya sa lahat ang isyung ito kahit sa mga sariling ahensiya ng gobyerno sa US.

Facebook Comments