PBBM, makikipagkita sa Filipino community sa pagtungo sa Davos, Switzerland

Kasama sa schedule ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa biyahe sa Davos, Switzerland ang pakikipagkita sa Filipino community.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta na hindi lang sa Filipino community sa Switzerland makikipagkita ang pangulo.

Sa halip maging ang Filipino community sa ibang bansa sa Europa ay tutungo sa Switzerland para sa gagawing event kasama ang pangulo.


Batay sa huling impormasyon ni Usec. Sorreta umabot na sa mahigit 700 Pilipino ang nagpa-register para sa Filipno community event.

Kung matatandaan na sa mga nakalipas na biyahe ng pangulo sa ibang bansa isa sa prayoridad nito ay ang pakikipagkita sa Filipino community.

Hindi lamang ito naisagawa sa nakaraang biyahe sa China dahil sa mahigpit na health protocols na ipinatutupad roon epekto ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments