PBBM, makikipagkita sa ilang Pinoy athletes ngayong araw

Muling magkakaroon ng meet and greet sa Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilan pang mga Filipino athletes mamayang hapon.

Ito ay sina Dottie Ardina na sumabak sa Golf competition, at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar.

Kasunod naman nito ay gaganapin ang farewell call ni European Ambassador to the Philippines his Excellency Luc Veron kay Pangulong Marcos.


Ang tour of duty ni Ambassador Veron sa Pilipinas ay nagsimula noong September 2020.

Tinutukan nito ang pagpapalakas ng trade and environmental cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng European Union.

Facebook Comments