Umaasa ang White House na magkakaroon ng pulong sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at U.S. Vice President Kamala Harris sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong linggo sa San Francisco, California.
Paalis ngayong araw ang pangulo patungong U.S para dumalo sa APEC Leaders’ Summit sa San Francisco at bumisita sa Los Angeles at Hawaii.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaaring magkaroon ng bilateral meetings si Marcos sa mga kapwa lider sa sideline ng APEC meeting, ngunit wala pang kumpirmadong schedule.
Kinumpirma rin ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na dahil sa busy schedule ni US President Joe Biden, hindi nito mahaharap si Pangulong Bongbong Marcos.
Kasama sa tatalakayin ng pangulo sa naturang pulong ang mga isyung pang-ekonomiya at seguridad kasama ang 21 miyembro ng APEC, kasama ang Estados Unidos, Japan, Australia, Canada, South Korea at New Zealand.
Gaganapin ang 30th APEC Leader’s Summit sa San Francisco, California simula Nobyembre 15 hanggang 17.