PBBM, malamig ang tugon sa desisyon ni VP Sara na hindi tumanggap ng anumang posisyon sa gabinete

Malamig ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na ayaw niya na umanong tumanggap ng anumang pwesto sa gabinete ng pangulo.

Sa ambush interview sa Apayao, maikli lamang ang naging tugon ng pangulo sa media.

Sabi ng pangulo, okay lamang sa kaniya ito kung ito ang posisyon ng VP Sara.


Hindi na rin nagbigay ng anumang reaksyon ang pangulo at umalis din kaagad matapos ang tanong.

Matatandaang isang buwan na ang nakalilipas nang magbitiw sa gabinete ni PBBM si VP Sara, na hanggang ngayon ay hindi nito inihahayag ang tunay na dahilan.

Sinabi rin nitong wala na siyang plano pang humawak anumang posisyon sa gabinete.

Facebook Comments