Magtutungo ngayong alas-9:00 nang umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dito sa Navotas City Sports Complex.
Ito’y para mamahagi ng tulong sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Limay, Bataan.
Matatandaang kabilang sa tinutukan noon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Navotas Fish port, matapos makitaan ng traces ng oil spill sa coastline ng Manila Bay at Cavite.
Matapos naman nito ay mamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ang Pangulo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Pagdating naman nang hapon ay balik Malacañang ang Pangulo para sa meet and greet ng Filipino Paralympians.
Dadaluhan din nito ang launching at ceremonial turnover ng Asian Development Bank (ADB) – Philippines Country Partnership Strategy 2024-2029.