Maagang mamimigay ng Pamasko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bata, matatanda, may kapansanan, at mga walang tahanan at pamilya sa Manila Boystown Complex sa Marikina.
Alinsunod din ito sa Parenta Patriae principle na nakapaloob sa Konstitusyon na nagbibigay mandato sa gobyerno na umaktong magulang at bigyang proteksyon ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng anim na residential care centers sa Manila Department of Social Welfare.
Ito ang Founding Home, Girl’s Home, Boy’s Home, Lualhati ng Maynila, Manila Youth Reception and Action Center, RAC-KAMADA na nag-o-operate 24 hours.
Kabilang sa mga ipinamahagi ng Pangulo ay ang mga nakabalot na regalo, bigas, adult diapers, at food boxes mula sa DSWD.
Bago magtungo sa Marikina ay nagkaroon na rin ng gift giving ang Pangulo sa Marillac Hills and Haven for Women sa Muntinlupa kaninang umaga.
Ito naman ay isang pasilidan na nagbibigay proteksyon, rehabilitasyon, at suporta para sa mga kababaihan at kabataan na nangangailangan ng espesyal na pangangalaga.