Mamamalagi sa Blair House si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang state visit sa Washington D.C., USA mula July 20 hanggang 22.

Ang Blair House ay itinuturing bilang world’s most exclusive guest house dahil dito tumutuloy ang mga foreign leader at dignitaries na bumibisita sa Estados Unidos.

Ayon kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, simboliko at makasaysayan ang pananatili ni Pangulong Marcos sa Blair house dahil ginagawa lamang ito kapag mataas ang antas ng pagpapahalaga sa isang bisita.

Bukod sa pamilya Marcos, ilan sa mga Filipino leader na pinatuloy na sa Blair House ay sina dating Pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.

Kabilang din sa mga prominenteng world leaders na tumuloy rito ay sina dating UK Prime Minister Winston Churchill, Queen Elizabeth II ng United Kingdom, at South African President Nelson Mandela.

Facebook Comments